David Licauco, humirit sa bashers ng kanyang video kasama ang fans

Idinaan na lamang sa biro ni David Licauco ang kaniyang reply sa video na pinag-uusapan ngayon sa X kung saan makikita ang pagpapa-picture sa kaniya ng fans.
Tila hindi kasi nagustuhan ng ilang netizen ang mabilisang encounter ni David at ng naturang fans na napanood sa video.
“Singit yarn? Galing umacting? May blockbuster? Bwak bwak bwak,” harsh na caption ng isang social media user sa video tungkol kay David.
Kahit walang kasalanan, sinagot at nag-sorry naman si David dito. Paliwanag niya, “May sakit ako niyan beh tapos 1am na yan hehe sorry po. Bawi ako next time ha.”
May sakit ako niyan beh tapos 1am na yan hehe sorry po bawi ako next time ha
-- David Licauco (@davidlicauco) April 23, 2024
Bukod dito, inintriga pa si David tungkol sa 'di umano'y girlfriend na kasama niya sa sasakyan. Habang ang ilan ay may negative comments pa sa kinabibilangang pelikula ni David ngayon na G! LU.”
Birong sagot ni David dito, “Hahahaha grabe ka naman beh baka naman maka help ka mag promote.”
Hahahaha grabe ka naman beh baka naman maka help ka mag promote
-- David Licauco (@davidlicauco) April 23, 2024
Sa kabila nito, maraming supporters naman ang nagtanggol kay David sa mga basher at nega na netizens.
“Halatang pagod na si David,” komento ng isang fan.
“Tao din 'yang mga 'yan, napapagod not all the time ay lagi silang okay,” dagdag pa ng isang netizen.
Matatandaan na nagpapagamot ngayon si David dahil sa kaniyang kondisyon na sleep apnea.
Ang sleep apnea ay ang kondisyon kung saan biglang humihinto sa paghinga ang isang tao habang ito ay natutulog. Ilan umano sa sintomas ng sleep apnea ay pagiging iritable, daytime drowsiness, at fatigue dahil sa kakulangan ng tulog.
Samantala, abala rin ngayon si David Licauco para sa taping ng upcoming historical drama ng GMA na Pulang Araw kung saan makakasama niya ang kaniyang on-screen partner na si Barbie Forteza at fellow Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Dennis Trillo, at Alden Richards.
TINGNAN ANG ILANG PANG PAGSAGOT NG CELEBRITIES SA NEGATIVE COMMENTS DITO:


































