David Licauco looks back on his Mr. ChinaTown journey: 'I really thought I won'

Bago pa nakilala bilang Pambansang Ginoo si David Licauco, nadiskubre muna siya bilang isang modelo matapos siyang sumali noong 2014 ng Mr. Chinatown.
Ngunit may nakakatawang kwento si David na ibinahagi niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes. Saad ng aktor, kaya lang siya sumali sa naturang patimpalak, para payagan siya ng kaniyang mama na lumabas at gumala.
“Ang sinasabi ko sa mom ko before na, 'Ma, meron akong go-see, meron akong shoot, audition.' Pero hindi naman talaga ako mag-o-audition, so parang 'yun 'yung way ko para makalabas ako,” sabi ni David.
Ngunit kalaunan, kinukwestyon na siya ng kaniyang mama kaya naman, para mapanindigan niya ang sinasabing “audition,” sumali siya sa pageants at nagsimula na rin maging isang modelo.
Dahil napag-usapan na rin naman na nila ang Mr. China Town, binalikan nina King of Talk Boy Abunda at David ang karanasan ng aktor sa gallery na ito:









