Beauty Empire
David Licauco, may guest appearance sa 'Beauty Empire'

Matapos ang 2024 GMA Prime series na Pulang Araw, muling magsasama sina Barbie Forteza at David Licauco sa isang TV project.
Mapapanood si David bilang guest actor sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire, kung saan bida si Barbie.
Ipinasilip ng Viu Philippines sa Facebook ang ilang tagpo sa pagbisita ni David sa set ng Beauty Empire sa kanilang taping location sa Antipolo.
Sa mga litrato pa lang, marami na ang kinikilig sa Pambansang Ginoo kaya naman inaabangan na ang kanyang paglabas sa serye na tinututukan tuwing gabi.
Narito ang ilang behind-the-scenes photos ni David sa Beauty Empire.







