David Licauco, nagnenegosyo para sa kanyang future family

GMA Logo David Licauco

Photo Inside Page


Photos

David Licauco



"Saktuhan lang tayo, Tito Boy."

'Yan ang sagot ni 'Maging Sino Ka Man' actor David Licauco nang tanungin ni Boy Abunda kung gaano na kayaman ang aktor nang makapanayam siya ng King of Talk ngayong Martes, August 29, sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'

Sa ngayon, may dalawang restaurant si David--ang Sobra Cafe sa Molito Lifestyle Center, Alabang at Kuya Korea sa UP Town Center, Katipunan, Quezon City. Nakatakda na ring magbukas ang pangalawang branch ng Kuya Korea na nakapwesto sa SM Clark, Pampanga. Open for franchise na rin ang naturang Korean restaurant.

Ayon kay David, nasa dugo na niya ang pagiging negosyante.

Bahagi niya, "Growing up as a kid, nasa family ako ng mga negosyante so directly and indirectly, tinuruan nila 'kong maging negosyante. And also my friends, talagang halos lahat kami into business so do'n nag-start."

Bukod dito, iniisip na rin ni David ang future kaya nag-iipon na siya ngayon pa lang.

Dagdag niya, "And also gusto ko rin sanang maging okey ang buhay ng pamilya ko, future family ko that's why I try my best para magpayaman."

Tingnan ang buhay-negosyante ni David sa gallery na ito.


Family
Restaurant businesses
Anniversary
Korean restaurant
Franchising
Hands-on
Parents

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection