Ramdam na ramdam ang suporta ng fans ni David Licauco sa kaniyang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan.
Nitong Lunes, April 21, nagsama-sama ang fans mula sa David Troops para sa block screening ng Samahan ng mga Makasalanan kung saan mapapanood si David bilang si Reverend Sam.
Bukod sa block screening ito ay official kick-off din para sa David Troops' 10th anniversary.
"I just want to say thank you for making an effort to organize this event. I know na mahirap 'yun kaya maraming maraming salamat.
Thank you for the support throughout the years, and galingan n'yo sa lahat ng ginagawa ninyo. God bless you."
Bukod kay David, kasama rin niyang dumalo kaniyang mommy na si Eden Licauco at mga kaibigan.
Narito ang mga naganap sa block screening ng David Troops ng Samahan ng mga Makasalanan:
Kasama si David Licauco sa ginanap na block screening ng organized ng David Troops Official.
Ang block screening na ito ay para sa pelikula ni David na Samahan ng mga Makasalanan.
Ayon sa Facebook page ng David Troops fans club, ito ay ang kanilang official kick-off para sa David Troops' 10th anniversary.
Kasama ni David Licauco ang kaniyang mommy na si Eden Licauco.
Nagpasalamat si David Licauco sa ilang taon na suporta ng fans niya.
Sumapi na sa samahan! Mapapanood na ang Samahan ng mga Makasalanan in cinemas nationwide. Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.