David Licauco to undergo RFA for sleep apnea

GMA Logo David Licauco receives well wishes from fans
Source: davidlicauco (IG)

Photo Inside Page


Photos

David Licauco receives well wishes from fans



Sasailalim si David Licauco sa isang minor procedure para sa kanyang sleep apnea sa April 30.

Ang sleep apnea ay isang kondisyon kung saan paulit-ulit na humihinto sa paghinga ang isang tao habang natutulog. Isang sintomas nito ay ang malakas na paghilik na nagdudulot ng pagod sa kabila ng mahabang pagtulog.

“Sa April 30, may operation ako sa sleep apnea ko. Sana gumaling, di ba? Kasi hirap na hirap na ako, e,” sabi ni David sa panayam ng GMANetwork.com at iba ang entertainment press pagkatapos ng press conference ng G! LU noong Miyerkules, April 17.

Nabanggit ng binatang aktor na susubukan niya ang radiofrequency ablation procedure para mabigyang solusyon ang matagal na niyang iniindang kondisyon sa pagtulog.

“Yung sa akin, ang gagawin lang parang radio frequency. Parang susunugin yata yung part ng nose ko sa loob. So, para mas may malaking airway, di ba, yung breathing room ko.”

Matatandaan na noong February 2023 ay inamin niya sa GMANetwork.com aang kondisyong ito at nabanggit na nais na niyang magpaopera para rito.

Gayunman, na-delay ito dahil sa tagal ng magiging recovery period. Pero iba raw itong sa radio frequency ablation.

Ani David, “Kasi before, ang alam ko kasi, yung operation, dapat talagang one month yung recovery.

“When I got myself checked up siguro a week before I left for Canada, sinabi na meron palang procedure na ano lang, puwedeng 15 minutes lang yung procedure.'Tapos yung down time, one day lang. Pero kasi, RF [radio frequency] yun. So, yun ang gagawin ko.”

Biro pa niya sa huli, “Hopefully makatulong. Kung hindi… dead na tayo!”

Panoorin ang nakaraang panayam ng GMANetwork.com tungkol sa kanyang kondisyon:

Samantala, balikan dito ang mga naging mensahe ng fans kay David nang aminin niya ang kanyang kondisyon:


Ji Lee
Jennifer Gonzales
Shengenalug
Talipasan Johanna
Doris May
Juvy Villanueva
Binibining Red
Mutya ni david
Carmela | A'tin x Saklay
Moreno De Sangley
Arlene Mercado
Jean Marie S.
Yvy is into MCI po
Crystal
Freya

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU