Dear Uge Presents: 'My Forgettable Love (Part 1)'

Sa pagbabalik ng Dear Uge Presents, samahan sina Eugene Domingo bilang si Amor at Neil Ryan Sese bilang si Migs.
Sa halos isang dekada nilang pagsasama, napagtanto nina Amor at Migs na hindi na sila para sa isa't isa.
Para kay Amor, hindi na si Migs ang lalaking minahal niya noon. Para kay Migs naman, masyado nang controlling si Amor sa kanya.
Dahil diyan, napag-isipan nilang maghiwalay na buong-buo naman nilang tinanggap.
Makalipas ng ilang buwan, bumalik si Migs sa kanilang pamamahay upang kunin ang mga natitira niyang gamit. Pero dahil sa coronavirus pandemic, inabutan siya ng enhanced community quarantine kasama si Amor.
Wala pang isang araw, hindi na napigilan ng dalawa na magbangayan.
Napansin din ni Migs na tila parang hindi na maalala ni Amor ang detalye ng kanyang buhay -- kasama na diyan ang pag-iibigan nila dati.
May karamdaman kaya si Amor o nagpapanggap lamang ito?
Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan ngayong Linggo, August 23 kasama sina Eugene Domingo, Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon.








