Dear Uge Presents: 'My Forgettable Love (Part 2)'

Sa ikalawang bahagi ng “My Forgettable Love” ng Dear Uge Presents, na-diagnose si Amor (Eugene Domingo) ng Alzheimer's disease, ang sakit na nagdudulot ng unti-unting paghina ng kakayahan niyang makakilala o makaalala.
Hindi mapigilan ni Amor na maging malungkot at kaawaan ang kanyang sarili dahil sa sakit.
Samantala, napagdesisyunan ni Migs (Neil Ryan Sese) na manatili sa tabi ni Amor at alagaan siya dahil responsibilidad niya ang kanyang asawa.
Tutol si Amor sa naging desisyon ni Migs na manatili sa kanyang pamamahay. Unang-una, hiwalay na sila ng kanyang asawa at pangalawa, hindi niya kailangan ng tulong.
Pero lahat ng ito ay nagbago nang mapatunayan ni Migs ang kanyang sarili kay Amor. Sa paglipas ng panahon, unti-unting na rin nagbabalik ang pagmamahal nila para sa isa't isa.
Ang Alzheimer's kaya ni Amor ang maging solusyon sa kanilang rocky relationship?
Tunghayan ang ikalawang bahagi ng “My Forgettable Love” ngayong Linggo kasama sina Eugene Domingo, Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon.






