'Dear Uge Presents' Sneak Peek: "Ang Dalawang Mrs. U (Part 1)"

Matapos mabiyuda si Stella (Eugene Domingo), nalaman niya na may iniwang mana ang kanyang asawa sa kanilang lawyer na si Atty. George (Gardo Versoza).
Makukuha lamang ni Stella ito kung magtatagumpay siya sa kundisyon inihanda ni George.
Malugod niyang tinanggap ang hamon pero ang hindi niya alam, kailangan pala niyang manirahan kasama ang kerida ng kanyang asawa na si Nelda (Sanya Lopez).
Sa pamamagitan nito, malalaman ni George kung sino ang karapat-dapat na mag-uwi ng mana na ipinaubaya sa kanya.
Magtagumpay kaya si Stella sa pagkuha ng mana o mauwi sa awayan at labanan ang magkaribal?
Tingnan ang magaganap sa Dear Uge Presents: “Ang Dalawang Mrs. U” kasama sina Eugene Domingo, Gardo Versoza, at Sanya Lopez ngayon Linggo sa GMA.






