'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Jolly Molly (Part 1)

GMA Logo Dear Uge Presents

Photo Inside Page


Photos

Dear Uge Presents



Isang brilliant pero self-centered chef si Molly (Eugene Domingo), na nakilala dahil sa kanyang galing sa pag-detect ng imperfections sa lutuin sa isang tikim.

Dahil sa kanyang galing, inisip niya na lalago ang kanyang catering business sa tulong ng kanyang kaibigan na si Volet (Valeen Montenegro).

Isang araw, laking gulat niya nang mag-propose ang kanyang nakababatang kapatid na si Johnny (Jason Abalos) sa kasintahan nitong si Bianca (Herlene Budol) na hindi marunong magluto!

Hindi raw ito katanggap-tanggap para kay Molly dahil wala sa pamilya nila ang hindi magaling magluto.

Pero fate plays a cruel joke kay Molly nang biglang ma-diagnose siya ng dysgeusia, o ang kondisyon ng pagkawala ng kanyang panlasa.

Ano'ng mangyayari kay Molly? Matanggap kaya nito ang pagmamahalan nina Johnny at Bianca?

Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan sa Dear Uge Presents: Jolly Molly (Part 1) kasama sina Eugene Domingo, Jason Abalos, Valeen Montenegro, at Herlene Budol ngayong Linggo sa GMA-7.


Molly
Catering business with Volet
Tutol!
Johnny and Bianca
Dysgeusia
Happily Ever After?
Dear Uge Presents

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors