Gaganap si Donita Nose bilang si Marga, ang sosyal na yaya ng kanyang nouveau rich na amo na si Lucy, ang karakter ni Ethel Booba sa Dear Uge Presents ngayong Linggo, April 18.
Yaya man si Marga, siya ang pinagkakatiwalaan ni Lucy sa ilang mga importanteng desisyon sa kanilang bahay, pati na sa usaping lifestyle at fashion. Maliban sa pagtuturo niya sa kanyang amo kung paano maging “madam,” si marga rin ang nagtuturo kay Lucy kung paano maging mabuting single parent.
Maayos ang setup ng mag-amo hanggang sa maisipan ni marga na mag-resign para tumira na sa ibang bansa kasama ang kanyang nobyo. At mula rito ay nanganak nang nanganak ang problema sa pagitan ng dalawa.
Hindi na nga ba magkakasundo sina Marga at Lucy?
Isang mabuting samahang ng isang madam at ng kanyang yaya ang mahahamon sa Dear Uge Presents, ngayong Linggo, April 18, sa GMA-7.
Isa na namang nakakalokang kuwentuwaan ang mapapanood ngayong Linggo, August 26.
Gaganap si Donita Nose bilang si Marga, ang yaya ni Lucy na bibigyang-buhay ni Ethel Booba.
Si Lucy ang tunay na madam, pero sa pananamit at asta, daig pa siya ng yaya niya.
Si Marga ang magtuturo kay Lucy kung paano maging soysal.
Pero higit pa roon, tuturuan ni Marga si Lucy na maging mabuting single parent kay Danny.
Gugulo ang kanilang maayos na samahan dahil ang boyfriend ni Lucy na si Adrian mukhang type si Marga?
Ang cameo role ni Eugene Domingo, mukhang #TeamMarga.
Bongga rin ang kuwentuwaan dahil birthday celebration ni Divine!
Bibisita ang ating mga bida sa tindahan ni Uge para ipagpatuloy ang kuwentuwaan.
Huwag palampasin ang kuwentuwaang 'Madam Yaya' sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, August 26.