'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Masahe is Key (Part 1)

Si Maricel (Eugene Domingo) ang number one masseuse ng sexy telemarketer na si Sharon (Yasmien Kurdi). Dahil suki ni Maricel si Sharon, naging matalik silang magkaibigan.
Pero meron palang isang sikreto na wawasak sa strong bond nila!
Ang sikretong ito ay si Bernard (James Blanco), or B for short, ang flavor of the month ni Sharon na asawa pala ni Maricel.
Nang hindi sumipot sa birthday surprise ni Maricel si Bernard, nagsimula na ang pagdududa ni Maricel sa kanyang asawa na baka may kabit ito.
Samantala, hindi rin alam ni Bernard ang koneksyon ni Maricel kay Sharon.
Kaya isang araw, laking gulat na lang niya na magkasama ang dalawang babae sa buhay niya sa iisang bahay!
Malaman kaya nina Sharon at Maricel na in love sila sa iisang lalaki? Ano ang gagawin ni Bernard?
Tunghayan 'yan sa episode na pinamagatang 'Dear Uge Presents: Masahe is Key (Part 1)' kasama sina Eugene Domingo, Yasmien Kurdi, Maey Bautista, James Blanco, at Victor Anastacio ngayong Linggo, February 21, sa GMA-7!






