'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Tom and Journey

GMA Logo Dear Uge Presents

Photo Inside Page


Photos

Dear Uge Presents



Mala telenovela ang kuwentuwaang magaganap ngayong linggo sa 'Dear Uge Presents' dahil ito ay ang kuwento ng dalawang tao na ang gusto lamang ay makamit ang pagmamahal na deserve nila.

Isa na diyan si Tom (Eugene Domingo) isang TNVS driver na in love sa kanyang suki na si Alex (Benjamin Alves).

Na-develop ang feelings ni Tom para sa huli dahil marami silang things in common, at isa na diyan ang pagbo-boxing.

Ngunit isang araw, na-heartbroken si Tom nang makita niya si Alex na may kasamang babae sa kanilang local gym.

Siyempre, sino ba naman siya na mag-assume na mai-in love sa kanya si Alex?

Ang ikalawang istorya naman ay si Vic (Donita Nose) isang hardworking network marketer na mayroong dalawang ahente sa kanyang grupo -- sina Randy (Phytos Ramirez) at Stella.

Nang sinubukan ni Randy na ligawan si Vic, agad itong kinumpronta ni Stella na makakasira sa kanilang pagsasama bilang boss at employee.

Makamit kaya ng dalawa ang kanilang inaasam na happy ending?

Alamin ang lahat ng 'yan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge Presents: Tom and Journey kasama sina Eugene Domingo, Benjamin Alves, Donita Nose, at Phytos Ramirez ngayong Linggo, March 7, sa GMA-7.


Tom
Alex
Boxing
The Other Woman
Vic
Agents
Confrontation
Dear Uge Presents

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together