'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Wife For Hire (Part 2)

Sa ikalawang bahagi ng 'Dear Uge Presents: Wife For Hire,' nakilala na ni Ems (Eugene Domingo) ang nakakalokang hipag ni Joms (Zoren Legaspi) na si Ofelia (Maureen Larrazabal) nang mag move-in siya sa bahay ng kanyang fake husband.
Kahit na ilang beses nilang ipinamumukha na sila ay isang happily in love na married couple, hindi pa rin mapaniwala si Ofelia nanatili muna ito sa bahay ni Joms hanggang makuha nito ang insurance money ng kanyang kapatid.
Isang araw, inimbitahan ni Ofelia si Pax (EA Guzman) para makipag-inuman kasama niya at dito niya nalaman na nasa isang fake marriage lang pala ang dalawa!
May masamang balak kaya si Ofelia sa impormasyong ito? Ano ang gagawin niya kina Ems at Joms?
Tingnan ang mangyayaring kuwentuwaan sa gallery na ito:






