'Dear Uge Presents' Sneak Peek: "Yaya-Manin"

Nakababatang kapatid ang trato ni Katarina (Arra San Agustin) sa kaniyang maid na si Alyana (Mika Dela Cruz).
Pangarap ni Katarina na maging chef si Alyana kaya pinasok niya ito sa isang cooking class na pinangungunahan ni Chef Chris (Gil Cuerva)--ang kaniyang ex.
Kalaunan, nagugustuhan ni Chris si Alyana nang hindi namamalayang siya ay isang maid. At nasorpresa si Katarina nang malaman niyang ex pala niya ang nagtuturo kay Alyana.
I-dump kaya ni Alyana si Chris o ipagpatuloy ito kahit na may past sila ni Katarina?
Tingnan ang magaganap sa episode ng Dear Uge na pinamagatang “Yaya-manin” kasama sina Mika Dela Cruz, Arra San Agustin, at Gil Cuerva, ngayong Linggo, September 13, pagkatapos ng All Out Sundays.






