'Dear Uge' Sneak Peek: "Ganda Mo, 'Teh!"

Ang love story nina Devine (Divine Aucina) at Diego (Dave Bornea) ay ang epitome ng true love.
Ngunit isang araw, mapapansin ni Devine na iniiwasan na siya ni Diego.
Ayaw man niyang isipin, pero 'di niya mapigilang magduda kung niloloko lamang siya ng kanyang matipuno at gwapong boyfriend.
Ito ang greatest fear ni Devine: ang iwanan siya sa ere nang hindi nalalaman ang rason kung bakit siya iniwan.
Bakit? Nagkaroon na kasi ng ex-boyfriend si Devine.
Ang pangalan niya ay si Elmer (David Licauco) at iniwan niya ito dahil sa tingin niya ay hindi na sila bagay sa isa't isa.
Alamin ang kuwento ng past ni Devine sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, September 6, pagkatapos ng 'All Out Sundays'









