'Dear Uge' sneak peek: Kate Valdez, ma-i-in love sa manekin sa 'Minanikang Manekin ni Monica'

This Sunday, December 26, may bagong exciting na kuwento na namang mapapanood sa GMA weekly sitcom na 'Dear Uge' na pinamagatang 'Minanikang Manekin ni Monica.'
Tampok dito si Kate Valdez na gaganap bilang Monica, isang babaeng never pa na-in love.
Pinalaki siya ng kanyang tita na si Gloria, isang fashion boutique owner, na gagampanan ni Tetchie Agbayani.
Walang kaibigan si Monica kaya naman, sa halip na tao, mga manekin ng kanyang Auntie Gloria ang lagi niyang kasama at kausap.
Dahil dito, ma-i-inlove si Monica sa lalaking manekin. At sa kanyang panaginip, mabubuhay ito at papangalanan niyang Aaron, na bibigyang-buhay ni Kelvin Miranda.
Paano niya ito isisikreto sa kanyang Auntie? At magtagal kaya ang romantic relationship na ito sa pagitan ni Monica at ng walang buhay na manekin?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo pero bago 'yan, narito ang ilang pasilip sa episode:







