'Dear Uge' Sneak Peek: Katrina Halili as 'Gangsta Sistah'

Muling mapanood ang May 30, 2021 episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang 'Gangsta Sistah' kung saan tampok si Katrina Halili.
Gaganap si Katrina bilang si Badette a.k.a. Red Pepper, ang boss ng Red Pepper Gang. Kampon niya sa grupo sina Matador (Roby Sy), Dogs (Buboy Villar), at Pogi (Gil Cuerva).
Hindi inaasahan ni Badette na maninirahan na sa kanya ang kanyang kapatid na madre na si Angela (Kate Valdez), at dahil dito ay kailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Sa umaga ay magpapanggap si Badette na isang philanthropist pero sa gabi ay patuloy ang buhay niya bilang si Red Pepper.
Pero paano kung bisitahin ni Angela ang hideout ng kanyang kapatid sa pag-aakalang ito ang opisina niya? Mabunyag kaya ang secret life ni Badette?
Samantala, makakapanayam naman ni Uge (Eugene Domingo) ang isa ring gang member na si Boy Girly.
Silipin dito ang ilang tagpo ng 'Gangsta Sistah' na muling mapapanood sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, September 5.








