'Dear Uge' sneak peek: Kris Bernal, ipapasa ang paglilihi kay Anjo Damiles sa 'Buntis Si Mister'

GMA Logo dear uge characters

Photo Inside Page


Photos

dear uge characters



Ngayong Linggo, January 30, mabubunyag ang katotohanan sa pamahiin tungkol sa paglilihi sa brand new episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Buntis Si Mister."


Tampok dito sina Kris Bernal at Anjo Damiles na gaganap bilang mag-asawang sina Alice at Rocky.

Anim na buwang buntis si Alice at nakakaranas pa rin siya ng paglilihi. Ang masaklap pa rito, siya lang ang kumikilos sa bahay dahil may pagkatamad ang kanyang mister kaya gigil na gigil siya rito.

Dahil hirap-hirap na sa kanyang mga nararamdaman, hahakbangan niya si Rocky habang ito ay tulog sa paniniwalang malilipat ang paglilihi niya sa asawa.

May katotohanan kaya ang pamahiing ito? At kung totoo man, paano na ang training ni Rocky para sa ina-apply-ang security job?

'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo pero bago 'yan, narito ang pasilip sa episode ng 'Buntis Si Mister':


Kris Bernal
Anjo Damiles
Tamad
Paglilihi
Revenge
Pamahiin
Pregnant
Dear Uge

Around GMA

Around GMA

Suspect in US press gala shooting - what we know
PSA: Davao region maintains largest economy in Mindanao
Farm to Table: (April 26, 2026) LIVE