'Dear Uge Presents' Sneak Peek: 'Louise-Vi-Ton'

Isang lalaki ang susubok sa friendship nina Lovely Abella, Kim Domingo, at Valeen Montenegro sa kanilang pagganap sa 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo, April 4.
Sa barkada ng “Lou-Vi-Ton,” si Louise (Lovely) ang utak, si Vina (Kim) ang puso, at si Tony (Valeen) ang lakas.
Compatible ang personalities nilang tatlo kaya kumbinsido silang hindi na nila kailangan ng lalaki sa buhay nila. Pero, magbabago ito nang makilala nila si Giorgio (JC Tiuseco).
Masisira ang sinasakyan nilang kotse kaya makikituloy sila sa ancestral home na nasa pangangalaga ni Giorgio. Ma-i-in love ang tatlo sa binata at ang magkakaibigan, magpapatalbugan.
Maaayos pa kaya ang friendship nina Louise, Vina at Tony, o isasakripisyo nila ito para sa pag-ibig ni Giorgio?
Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan sa gallery na ito.









