'Dear Uge' sneak peek: Muriel Lomadilla at Buboy Villar, tampok sa 'Maid To Order'

After six years, nakatakda nang mamaalam ang Kapuso comedy anthology tuwing Linggo, ang 'Dear Uge.'
Sa huling handog ng 'Dear Uge,' ipapalabas ang bagong episode na pinamagatang "Maid To Order" sa February 13. Tampok dito sina Patricia Ismael, Buboy Villar, Muriel Lomadilla, Luke Conde, at Brent Valdez.
Ang "Maid To Order" ay tungkol kay Senyora Santina (Patricia) at sa kanyang mga katiwala na sina Yaya Osang (Muriel) at Nel (Buboy). Napamahal na si Senyora kina Osang at Nel kaya pamilya na ang turing niya sa mga ito. Sa katunayan, beneficiaries pa nga ang dalawa ng life insurance ng mayaman nilang amo.
Pero kapalit ng good gesture na ito, makakatanggap ng death threats si Senyora Santina.
Sino kaya ang gustong magpapatay kay Senyora?
'Yan ang dapat abangan sa last episode ng 'Dear Uge' ngayong Linggo pero bago 'yan, narito ang pasilip sa episode na "Maid To Order."






