Dear Uge Presents: "Oh Wi-Fi, Layuan Mo Ako"

Isang social media addict ka rin ba? Baka maka-relate ka sa 'Dear Uge' episode ngayong Linggo, August 2.
Simple lang ang buhay nina Ronnie (Gabby Eigenmann) at Eva (Mylene Dizon) kasama ang kanilang dalawang anak. Lagi silang naglalaan ng oras para sa isa't isa at mailalarawan silang isang picture-perfect family.
Ngunit unti-unting naiingayan si Ronnie sa kanyang pamilya dahil sa walang tigil na kadaldalan ng mga ito.
Para manahimik sila, napagdesisyunan ni Ronnie na bumili ng Wi-Fi.
Isa-isang naging Internet addict ang miyembro ng kanyang pamilya. Ang kanyang asawa, nahilig sa panonood ng Koreanovela. Habang ang kanyang dalawang anak naman ay laging naglalaro ng mobile games.
Anong mangyayari kung biglang ma-miss niya ang kanilang family bonding? Makukuha pa rin kaya niya ang atensyon nila?
Tingnan ang mga magaganap sa kuwentuwaang magaganap sa gallery na ito:








