'Dear Uge' sneak peek: Rocco Nacino, mapapagkamalang kriminal sa 'Isang Bala Ko Lang'

This Sunday, November 21, may bagong kuwento na namang mapapanood sa GMA weekly sitcom na 'Dear Uge' na pinamagatang "Isang Bala Ko Lang."
Tampok dito sina Rocco Nacino at Klea Pineda. Gagampanan ni Rocco ang karakter ni Vito, samantalang si Klea ay si Donita.
Labandera si Donita pero dahil naglipana ang mga laundromat sa kanilang lugar, humina ang kanyang kita. Buti na lang, willing ang bagong salta sa lugar nila na si Vito na kumuha ng serbisyo niya.
Dahil dito, mabibigyan ng malisya ang kabaitan ng new guy in town na si Vito. Susulsolan pa ito ng mga kapitbahay nilang sina Eva (Tuesday Vargas) and Kokoy (Victor Anastacio).
Totoo kaya ang mga sabi-sabi tungkol kay Vito na isa itong masamang loob? At ano kaya ang gagawin ni Donita para mapatunayan ito?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo pero bago 'yan, narito ang ilang pasilip sa episode:







