'Dear Uge' sneak peek: Shaira Diaz at Yasser Marta, may sleeping problem sa 'Sleep, Baby, Sleep'

Bagong kuwento na naman ang mapapanood sa GMA weekly sitcom na 'Dear Uge,' ang "Sleep, Baby Sleep," ngayong Linggo, October 24.
Tampok dito sina Shaira Diaz at Yasser Marta bilang sina Baby at Lloyd na parehong may sleeping problem.
Sleepwalker si Baby, samantalang insomniac naman si Lloyd.
Ang kanilang sleeping problem, dulot pala ng emotional stress dahil pareho silang sawi sa pag-ibig.
Pero paano na lang kung magtagpo ang isang sleepwalker at isang insomniac? Will they finally sleep in peace o lalo pang gugulo ang kanilang sleeping pattern?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo pero bago 'yan, narito ang ilang pasilip sa episode:






