'Dear Uge' Sneak Peek: "Simbang Tabi x May Asim Ba'ng Gabi?"

GMA Logo Sanya Lopez and Nova Villa in Dear Uge

Photo Inside Page


Photos

Sanya Lopez and Nova Villa in Dear Uge



Naging kagawian na ng mga Pinoy ang pagsi-Simbang Gabi tuwing Kapaskuhan dahil sabi-sabi ng mga nakakatanda na 'pag natapos mo ito ay entitled ka ng one wish na gusto mong matupad.

Tampok ngayong Linggo sa Dear Uge ang dalawang istorya na umiikot sa Simbang Gabi.

Ang unang istorya ay ang kuwento ni Aya (Sanya Lopez) na ang tanging wish lamang ay makapunta sa Canada. Kaya naman pilit niyang kinukumpleto ang pagsisimbang gabi tuwing Kapaskuhan para matupad ito at makapagsimula ng kanyang bagong buhay.

Pero paano kung may makilala siyang isang lalaki na magiging hadlang sa kanyang mga pangarap? Ituloy pa kaya ni Aya ito?

Ang ikalawang istorya naman ay ang kuwento ni Sionie (Nova Villa), isang lola na nangangarap makilala ang kanyang #forever.

Isang araw, mukhang natupad na ata ang kanyang wish sa pagkatao ni Pablo (Buboy Garovillo). Siya na kaya ang inaasam-asam ng kanyang puso? Siya na kaya ang itinadhana para kay Sionie?

Tunghayan ang back-to-back holiday episode ng Dear Uge na “Simbang Tabi x May Asim Ba'ng Gabi?” kasama sina Sanya Lopez, Martin del Rosario, Nova Villa, at Buboy Garovillo ngayong Linggo, December 20, sa GMA-7.


Aya
Wish
Edward
Mr. Right?
Sionie
Waiting for Forever
Pablo
Kuwentuwaan
Dear Uge

Around GMA

Around GMA

DMW: 67 Filipinos from Qatar back in PH amid Middle East conflict
Easter travel surge fills Dagupan bus terminals
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM