'Dear Uge' Sneak Peek: Valeen Montenegro, Antonio Aquitania, at John Feir, tampok sa crime-comedy episode na 'Kill Joy'

This Sunday, January 23, muling mapapanood ang crime-comedy episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang 'Kill Joy'
Tampok dito sina Valeen Montenegro, Antonio Aquitania, at John Feir.
Sa 'Kill Joy,' gaganap si Valeen bilang philanthropist na nagngangalang Joy.
Sa kabila ng pagtulong sa kapwa, may isang taong nais magpapatay sa kanya.
Iha-hire ng seasoned criminal na si Jonel (John Feir) ang ex-convict na si Zero (Antonio Aquitania) para ipapatay si Joy!
O-offer-an nang malaking pera si Zero, bagay na hindi niya matanggihan dahil nangangailan ng pera ang anak niya para sa placement fee nito para makapunta ng Canada. Hindi hamak na mas malaki kasi ang offer ni Jonel kaysa sa kinikita ni Zero sa kanyang barbecue stand.
Matuloy kaya ang masamang plano ni Zero kay Joy o bubulabugin siya ng kanyang konsensiya? At sino kaya ang mastermind sa planong pagpatay kay Joy?
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa 'Dear Uge' kaya silipin ang ilang eksena sa 'Kill Joy' dito:






