'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Yayo Aguilar

GMA Logo dear uge presents

Photo Inside Page


Photos

dear uge presents



Ang pagmamahal ng isang magulang ay walang kapantay. Gagawin nila ang lahat para matupad ang mga pangarap nila para sa kanilang anak

Hindi naiiba si Agi (Gardo Versoza), isang single dad na pinapangarap makapagtapos ang kaniyang anak sa kolehiyo at maging isang ganap na inhinyero.

Sa kasamaang palad, dahil sa tuloy-tuloy na walang trabaho ay lumaki ang utang ni Agi kaya naman pati ang kanyang kapatid na si Baby (Mosang) ay naubos na ang pasensya sa kanya sa kakautang nito.

Payo ni Baby kay Agi, humingi siya ng tulong sa kanilang pinsan na si Monching na nagtatrabaho bilang security guard sa isang mayaman na single mom na si Mrs. Chang.

Ang trabaho na nakalaan sa bahay ni Mrs. Chang? Alagaan ang kanyang seven-year-old na anak, si JP.

Kilala si JP bilang isang pilyong bata na halos lahat ng kanyang yaya ay umuuwing luhaan.

Nang malaman ni Agi na malaki ang sweldong matatanggap niya, agad-agad siyang nag-apply para sa trabahong ito. Ngunit, gusto ni Mrs. Chang ay isang yaya at hindi bodyguard.

Sa tulong ng kanyang kapatid, magiibang anyo si Agi bilang si “Luningning” ang awkward-looking nanny ni JP.

Tinanggap naman ni Mrs. Chang si Agi sa pag-aakalang isa itong ganap na babae.

Makakaipon kaya si Agi para sa kanyang anak? Paano kaya kung malaman ni Mrs. Chang ang tunay niyang kasarian? Ano kaya ang rason kung bakit pilyo si JP?

Alamin ang lahat nang 'yan sa kuwentuwaang magaganap sa Dear Uge Presents kasama sina Gardo Versoza, Kelvin Miranda, at Mosang ngayong Linggo, April 11, dito lang sa GMA!


Agi 
Baby 
Luningning  
JP  
Para sa anak  
Exposed! 
Kuwentuwaan 
Dear Uge 

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025