Family
DenJen at Carlene Aguilar, todo suporta kay Calix na wagi sa UAAP fencing tournament

Magkakasamang sinuportahan nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Carlene Aguilar ang anak na si Calix Andreas Ho sa isang fencing competition.
Nakuhanan ang proud moments ng celebrity couple na sina Dennis at Jennylyn, maging ang ina ni Calix na si Carlene,nang manalo ang kanilang anak ng ginto sa Men's Epee individual category ng fencing tournament ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88, na ginanap noong Biyernes, March 13, sa Makati Coliseum.
Tingnan ang winning moments ni Calix kasama ang mga magulang na kuha ng photographer na si John James Corpuz sa gallery na ito:





