Dennis Padilla, malungkot sa petition ni Claudia na ipatanggal ang kanyang apelyido

Ipinarating ni Dennis Padilla ang lungkot na nararamdaman matapos na mag-file ang anak niyang si Claudia ng petisyon para legal na ipatanggal ang kanyang apelyido na Baldivia, na totoong apelyido ng aktor.
Sa Instagram, ipinakita ng aktor ang kopya ng dokumento kung saan makikita ang petisyon ni Claudia para baguhin ang pangalan mula Claudia Isabelle Barretto Baldivia sa Claudia Isabelle Barretto.
"Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo anak... Hindi magbabago ang pagmamahal ko [sa 'yo] Claudia - Papa," sulat ni Dennis.
"Love you Claui... I respect your decision... Malungkot lang talaga," caption naman niya sa kanyang post.
Sa isa namang post, ibinahagi ni Dennis ang larawan kasama sina Julia at Claudia noong mga bata pa ito. Sulat niya, "Miss you... Julia and Claudia Baldivia... With or without the Family name... Same love same hope."
"If my sadness will bring joy to you my children... My heart is full... Same Love Same Hope," caption niya sa nasabing post.
Ikalawang anak ni Dennis Padilla si Claudia sa dating asawa na si Marjorie Barretto. May dalawa pa silang anak na sina Julia at Leon.
Tingnan ang mga lumang larawan ni Dennis kasama ang kanyang mga anak dito:










