Family

Dennis Padilla, may mensahe sa mga anak ngayong Pasko

GMA Logo Dennis Padilla kids
PHOTO SOURCE: @dennisastig/ @lindamarie_gorton

Photo Inside Page


Photos

Dennis Padilla kids



May inihandang Christmas post ang aktor na si Dennis Padilla para sa kaniyang anak.

Ang mensahe ni Dennis ay para sa mga anak niya kay Marjorie Barretto na sina Julia Barretto, Claudia Baretto, at Leon Barretto. Binati niya rin ang mga anak niya sa dating partner na si Linda Marie Gorton na sina Gavin at Maddie.

Saad ni Dennis sa larawan ng mga anak, "Dearest Julia claui Leon Gavin n maddie... Merry Christmas mga anak... Love you ALL"

Nakasulat naman sa caption ni Dennis, "Love you All mga anak... God bless you more"

Ang larawang ito ay mula sa pagkikita ng mga magkakapatid at nina Marjorie at Linda noong May 2025.

RELATED GALLERY: The beautiful sibling bond of Dani, Julia, Claudia, Leon, and Erich Barretto

Noong April 2025, inilahad ni Dennis sa interview kay Ogie Diaz ang kaniyang "permanent goodbye" siya sa mga anak.

Ani Dennis, "This is a permanent goodbye. Maybe the last time that you will see me, sa loob na ng kabaong ko 'yon dahil hindi na ako makakaiwas. Hindi ko naman kayo i-ba-ban do'n. Anak ko kayo eh.”

Samantala, balikan ang mga larawan ni Dennis Padilla kasama ang mga anak dito:


Dennis Padilla
Marjorie's kids
Julia and Claudia
Leon Barretto
Julia's graduation
Wallet photo
Dani Barretto
Monina Gatus
Linda Gorton
Maddie birthday
Together again

Around GMA

Around GMA

Brooklyn Bridge during winter storm in New York City
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers