Dennis Trillo sa mga ex na muling magpaparamdam: 'Sorry ka na lang'

GMA Logo Dennis Trillo message for his exes
Source: dennistrillo (IG)

Photo Inside Page


Photos

Dennis Trillo message for his exes



Umiikot sa samu't saring "what if" ang romance drama series na Love Before Sunrise.

Kuwento ito ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sirkumstansiya ng kanilang mga buhay pero magkikita muli matapos ang ilang taon para balikan ang mga alaala ng naudlot nilang pag-iibigan.

Para sa isa sa lead stars nitong si Kapuso Drama King Dennis Trillo, hindi raw niya nakikita na mangyayari sa sarili niya ang ganitong sitwasyon.

"Kung nasa relasyon na 'ko ngayon, ibig sabihin 'yun na 'yung gretaest love ko eh. Ganoon akong tao so wala naman akong greatest love kundi doon sa current na asawa ko, sa karelasyon ko ngayon," bahagi ng aktor.

Happily married si Dennis sa kapwa artista na si Ultimate Star Jennylyn Mercado at nabiyayayan na rin sila ng una nilang anak na si Dylan.

Kung sakali man daw na may isang dating karelasyon na muling magparamdam, wala sa isip ni Dennis na i-e-entertain pa ito.

"Sa tingin ko, kung sakaling may bumalik man na ex, wala na 'yung pagkakataon dahil mahirap na mapasok sa gulo. Hindi ko na maa-afford na magdagdag pa ng problema sa buhay ko. 'Yun 'yung mangyayari kaya sorry ka na lang, kung sino ka man," pahayag niya.

Silipin ang sagot ng iba pang cast members ng Love Before Sunrise sa ilan pang "Difficult Questions About Love" dito:

Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

Tunghayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.

Silipin ang blissful married life ni Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa gallery na ito:


Next level
Mr. and Mrs.
It's a girl!
Holidays
Home
Shoot
Blessing
Nursery
Love
Halloween
Bliss

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays