Family
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, dinala ang mga anak sa Hong Kong para sa isang family trip

Ipinagdiwang kamakailan ng bunsong anak nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jade ang kaniyang ika-apat na kaarawan. Bukod sa Minions-themed birthday party nito na ginanap kamakailan lang, bumiyahe rin ang buong pamilya abroad.
Sa Instagram, nag-post si Jennylyn ng ilang litrato ng kanilang family trip sa Hong Kong, partikular sa Disneyland.
Caption ni Jennylyn sa kaniyang post, “Forever thankful for days like this, where joy feels endless.”
Tingnan ang Hong Kong family trip nina Dennis, Jennylyn at kanilang mga anak sa gallery na ito:







