Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, share secrets of their blended family setup

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa sa mga pinaka-successful na blended family ay ang sa pamilya nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa pagbisita ng Kapuso Power Couple sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 23, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagiging isang blended family nila. Tanong ng batikang host, “Paano n'yo nagagawa ang inyong ginagawa sa inyong pamilya?”
Ayon kay Dennis, napakaimportante para sa kanila ang pagpapahalaga sa isa't isa. Aniya, kailangan ay napaparamdam nila bilang mga magulang sa kanilang mga anak ang pantay-pantay at unconditional love.
Tingnan sa gallery na ito kung papaano nagawang successful nina Dennis at Jennylyn ang kanilang blended family:









