Dennis Trillo, minsan nang na-bully noong high school

Kilala si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kaniyang galing bilang aktor, sa kaniyang malaking puso bilang isang asawa at ama, at maging ang sa kuwelang bersyon niya sa TikTok. Ngunit isang bahagi ng kanyang buhay ang hindi alam ng marami, na ibinahagi niya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa pagbisita niya sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, ibinahagi ni Dennis ang naging buhay niya noon bilang estudyante. Tanong sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda, “Kumusta ka bilang isang estudyante?”
Sagot ni Dennis, “Bilang estudyante, masasabi ko na well, wala naman ako naging masyadong problema sa school, hindi naman ako 'yung estudyante na nambubully. Mabait nga ako dahil siguro sa pagpapalaki rin sa'kin."
Ngunit pag-amin ni Dennis, na-bully din siya noong highschool.
Alamin ang naging buhay estudyante ni Dennis sa gallery na ito:









