Dennis Trillo, na-awkward sa isa niyang eksena sa 'Everything About My Wife'

Ginanap ang premiere night ng rom-com film na Everything About My Wife noong Martes, February 25, sa Cinema 3 ng SM Megamall sa Mandaluyong.
Tila na-extend ang Valentine's Day celebration dahil sa red carpet ng movie premiere na pinalamutian ng mga nagtatangkaran at matitingkad na sunflowers.
Dinaluhan ito ng iba't ibang stars, media executives mula CreaZion Studios, GMA Pictures, at Glimmer Studio, at maging mga social media influencers.
Ito ang unang beses mapanood ng lead stars ng Everything About My Wife na sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby ang kanilang pelikula kaya authentic ang kanilang mga naging reaksyon.
Napuno ng tawanan at kilig ang sinehan dahil sa rom-com film na umiikot sa kuwento ng mag-asawang Imogen at Dominic, ginagampanan nina Jennylyn at Dennis, na may kinakaharap ng marital problems. Pumapagitna naman sa kanila si Miguel, ginagampanan ni Sam Milby, na isang kilalang casanova na pinakiusapan ni Dominic na i-seduce si Imo.
Benta sa audience ang mga hirit na linya ni Jennylyn na binansagang "Queen of Romantic Comedy Movies." Effortless naman ang pagpapakilig ni Sam na talagang tinilian ng kanyang fans.
Walang kupas naman ang Kapuso Drama Drama King at 50th Metro Manila Film Festival Best Actor na si Dennis, na isang revelation sa pelikula.
Sabay-sabay na naghiyawan ang moviegoers dahil sa isang eksena ni Dennis na aniya'y most daring scene na kanyang ginawa sa buo niyang acting career.
"Medyo awkward sa umpisa 'yung mga eksena namin," sabi nya.
Related gallery: Meet the cast of 'Everything About My Wife'
Hindi lang pala palamuti ang mga sunflower sa nasabing event dahil may sinisimbolo ito sa Everything About My Wife na dapat abangan ng mga manonood.
Sabi pa ni Dennis, "'Di namin in-expect na magiging gano'n ka-shocking 'yung mga eksena pero masaya naman. Masaya na marinig 'yung mga tawanan ng tao na magkakasama. Masayang-masaya 'yung pakiramdam."
Ganito rin ang pakiramdam ni Jen matapos mapanood ang Everything About My Wife sa unang pagkakataon.
Ika niya, "Ang sarap sabayan ng mga tao syempre 'yung sa emosyon na nararamdaman nila na napapanood nila. Nakakatuwa naman kasi parang masaya naman sila."
Inamin naman si Sam na nahihiya siya sa tuwing pinapanood niya ang kanyang saril sa screen. Pero redeeming factor daw ang positive reception ng mga kasama nilang nanood ng Everything About My Wife sa sinehan.
"I wanna apologize sa kanila because my problem is I hate watching myself. I hate it...that's my problem. But I still pushed through and watched. Ang ganda ng movie. It was really cute. I love the reaction, the audience's also. Happy naman," ani Sam.














