News

Dennis Trillo's son Calix wins gold at UAAP fencing tournament

GMA Logo dennis trillo son calix andreas ho
Photo courtesy of John James Corpuz

Photo Inside Page


Photos

dennis trillo son calix andreas ho



Muling nanalo ng ginto ang panganay na anak ni Dennis Trillo na si Calix Andreas sa isang fencing competition.

Bilang kinatawan ng University of the Philippines, wagi si Calix sa Men's Epee individual category ng fencing tournament ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88 kontra kay Edan Ensamtan ng De La Salle University. Ginanap ito ngayong Biyernes, March 13, sa Makati Coliseum.

Magkakasamang nanonood ng kompetisyon si Dennis at ina ni Calix na si Carlene Aguilar, at maging ang misis ng aktor na si Jennylyn Mercado, para personal na suportahan ang kanilang anak.

Samantala, nakatakda muling mag-compete si Calix sa Linggo, March 15, kasama ang kapwa niya UP varsity players sa team category ng fencing tournament ng UAAP.

Tingnan ang winning moments ni Calix sa gallery na ito.


Calix Andreas
Proud mom
New achievement
Support
Fencing tournament

Around GMA

Around GMA

Duterte defense still cries betrayal, victims’ counsel calls detention ‘accountability’
Lalaking may bukol sa mukha, naoperahan sa ilalim ng operation bukol project ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng UST Hospital
Mga Babaeng Police, Nagpakita sa Katakos sa Pag-responde sa Alarma sa Bomba | Balitang Bisdak