Derek Ramsay opens up about wife Ellen Adarna's miscarriage

“It's super roller coaster of emotions.”
Ganito inilarawan ni Derek Ramsay ang kanyang nararamdaman sa nangyaring miscarriage sa kanyang asawang si Ellen Adarna.
Sa media conference ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na (K)ampon, na ginanap kahapon, December 11, nabanggit ni Derek ang tungkol dito nang mapag-usapan ang karakter nila ni Beauty Gonzalez na sumusubok na magkaroon ng anak.
“Si Clark kasi, sa pelikula, baog kasi sabi ng doktor. Hindi makabuo, yun ang problema naming mag-asawa sa film. To be honest, ako, worried ako. Akala ko baog din ako kasi tumatanda na rin tayo,” paglalahad ng aktor.
Pagkatapos, ikinuwento niya, “Noong nasa Spain kami, nalaman namin na preggy si Ellen. Unfortunately, we lost the baby. Pero at least, alam namin na hindi kami baog. First attempt pa lang naman. Well, successful-unsuccessful.”
Dahil dito, matapos gawin ang pelikulang Kampon, lalayo munang muli si Derek sa showbiz para mag-focus sa pagbuo ng pamilya nila ni Ellen.
“So, yun na lang talaga muna ang ipo-focus namin, na we get a full pregnancy. It's sad that we lost our baby, but at least, alam namin na hindi kami baog.”
Sa parehong event, naghanda ng birthday surprise ang producer ng (K)ampon, ang Quantum Films, para sa dalawa nitong aktor na sina Derek at Zeinab Harake. Ipinagdiwang ng huli ang kanyang kaarawan kahapon, samantalang si Derek ay noong December 7.
Kasunod nito, muling napag-usapan ang tungkol sa nangyari kay Ellen dahil tinanong ng media si Derek kung ano ang kanyang birthday wish.
Sagot niya, “Magka-baby na. Dati sinasabi ko boy, pero ngayon parang gusto ko nang magka-baby girl. ''Yun talaga ang wish ko. 'Yun na lang ang kulang sa life ko. I'm very blessed and in a really, really, good spot right now, yun na lang talaga ang kulang.”
Ayon kay Derek, hindi pa nila nagawa ni Ellen na isapubliko ang tungkol sa miscarriage dahil “medyo lutang pa kasi ako.”
Patuloy niya, “It's just been in the last week. Medyo hindi ko alam kung ano ang mapi-feel. Kasi, super happy biglang lowest of the lows. She's pregnant then, she's not pregnant. Hindi masabi ng doktor na hindi pa siya talaga nalalaglag. Ang daming tanong na hindi masagot. The doctor has to be safe to say that she could still be pregnant.
“Paglapag namin galing Spain, diretso na kaagad kami sa ospital. So, it's super roller coaster of emotions. But the priority is Ellen is okay, she's safe. Good thing is, we know, we can conceive a baby.”
Muli ring ipinaliwanag ni Derek kung bakit tila nagduda siya sa kanyang kakayahang magkaroon muli ng anak.
Aniya, “I guess when you're super excited for something. It's kinda hard not to think what if it does not happen. You kinda… you should not entertain negative thought. But it's unlikely na hindi pumasok sa utak ko na, 'Lumalangoy pa ba itong mga alaga ko? Are my pets still swimming?
“Luckily, they are alive and well and we're going to try. Ellen and I haven't been able to try. Tinanggal niya yung IUD niya, we've been busy with the film. Then, we saw the good news that she's pregnant pala. Then, there's the sad news.
“Now, we really want to plan it and try it. Sabi nga nila, if we don't really try, wala talagang mangyayari.
“Again, that's my wish. My mom has been praying for it, sobrang gandang gift sa kanya noong nasa Spain kami. But unfortunately, hindi nga natuloy. But sure 'yan next year.”
Sa ngayon, habang naghihintay sa bagong baby, itutuon muna ni Derek ang atensiyon niya sa kanyang mga anak: sina Austin, na anak niya sa dating relasyon; at si Elias, na anak ni Ellen sa dating nobyong si John Lloyd Cruz.
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG CELEBRITIES NA NAKARANAS NG MISCARRIAGE

















































