Detained Russian vlogger VitalyzdTv, nakiusap na i-drop ang kaso laban sa kanya

GMA Logo Vitaly

Photo Inside Page


Photos

Vitaly



Dalawang buwan nang nakakulong ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, ang nasa likod ng YouTube channel na VitalyzdTv, sa detention facility ng Bureau of Immigration bilang undesirable alien.

Ayon sa report ni Jun Veneracion sa 24 Oras, sumulat si Vitaly kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Saad ni Sec. Remulla, "Sumulat sa akin na he is suffering from mental health issues daw, na kung puwede i-drop na 'yung mga kaso, humihingi siya ng patawad."

Hindi tinanggap ang pakiusap ni Vitaly at sasampahan na ito ng kasong "unjust vexation" sa susunod na linggo kaugnay sa reklamo ng tatlong pulis na naging biktima niya.

Batay sa resolusyon ng prosecutor's office sa Taguig, may sapat na ebidensya ang tatlong nagsampa ng kaso laban kay Vitaly. Ibinasura naman ng piskalya ang kasong theft.

Dagdag pa ni Sec. Remulla, nagtangka ang mga abogado ni Vitaly na aregluhin ang tatlong guwardiyang nagsampa ng kaso.

Sinubukan din ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng mga abogado ni Vitaly.

Panoorin ang buong report ng 24 Oras:

RELATED CONTENT: Balikan ang naging issue ng Russian vlogger na si Vitaly dito:


Vitaly
BGC
Unruly
Charges
Harassment
Arrests
Hollywood
Pyramids
Kick
Trial

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve