Diego Loyzaga, nag-react sa tanong tungkol sa diumano'y pagiging ama na niya

Matapos mag-viral ang larawan ni Diego na may kargang baby, humarap sa unang pagkakataon ang binatang aktor sa entertainment media.
Naganap ito sa press conference ng media ng upcoming movie niya at ni Julia Barretto, ang Will You Be My Ex?, na ginanap sa Botejyu restaurant sa Gateway Mall kahapon, June 11.
Personal na dinaluhan ito ni Julia kasama ang co-stars niyang sina Bea Binene at Divine Aucina, at ng direktor nilang si Real Florido. Habang si Diego, na kasalukuyang nasa Perth, Australia, ay nakasama sa pamamagitan ng Zoom conference.
Pagkakataon na sana ito ng entertainment reporters na hingin ang kumpirmasyon ng aktor sa spekulasyon tungkol sa pagiging ama na niya. Ngunit hindi ito nangyari dahil bukod sa matagal ang delay sa virtual conference, hinarang na rin ito ng mga tauhan ng movie producer na Viva Films.
Unang sinubukan ng TV reporter na si MJ Marfori nang kumustahain niya si Diego, “Nakatulog ka na ba o puyat na puyat ka? Kumusta?”
Sagot ng aktor, "I came back there”[sa Pilipinas] mga April and we were supposed to have a presscon, pero it didn't push through 'coz I'm back here again now.
“Then, last night was a celebration for Philippine Independence Day so Happy Independence Day to everybody out there. It was really a big celebration here in Perth. It was in a big hotel and I was part of it. Saya, we went out."
Nabanggit din ni Diego, "Aside from that, [there are] other reasons why lagi akong puyat lately, so these eyebags, pinaghirapan ko yan. I am doing good, thanks for asking. Nakatulog na ako."
Nagbigay ng follow-up question si MJ, "So , you're well-adjusted as a new dad?" Pero hindi na ito nasagot ni Diego dahil tila unstable ang kaniyang internet connection. Gayundin, ipinaalala ng host ng press conference na si Jean Kiley na iwasan ang mga personal na tanong, sa halip, ay tungkol lamang sa pelikula.
Nagkaroon muli ng pagkakataong matanong si Diego tungkol sa isyu nang usisain ng Manila Bulletin reporter na si Analyn Jusay ang binatang aktor kung “anong advice about being a father” ang nakuha niya mula sa kaniyang tatay na si Cesar Montano.
Subalit bago pa marinig ni Diego ang tanong, naharang na ito ng host ng press conference. Sa video feed makikita na tila natawa ang aktor. Kaya naman hindi malinaw kung iniiwasan ba ni Diego ang tanong o napangunahan nang harangin ito.
@nherzjane ano na, diego loyzaga? #willyoubemyexmediacon ♬ original sound - NherzJane 🌸
Hanggang ngayon ay wala pang direktang kumpirmasyon si Diego kung siya ang ama ng karga-karga niyang baby sa kaniyang Instagram photo noong June 8. Ang tanging pahiwatig lang niya sa caption nito ay “The best birthday gift ever.” Ipinagdiwang ng anak ng nina Cesar at Teresa Loyzaga ang kaniyang 28th birthday noong May 21.
Bago mag-post si Diego sa Instagram, tila may pahiwatig na rin ang leading lady niya sa Will You Be My Ex na si Julia sa kasalukuyang estado niya ngayon.
Sa pocket press conference noong Lunes, June 5, sinabi ng aktres, “I'm excited na makausap n'yo siya because he's in a really good place, refreshing niyang kausap. Sana makausap n'yo rin siya soon.”
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG CELEBRITIES NA NAGKAROON NG ANAK SA PAGKABINATA:


















