Diego Loyzaga, todo ang pagraket para sa 1st birthday ng kanyang anak

Kaliwa't kanan daw ang mga raket na tinatanggap ni Diego Loyzaga ngayon dahil pinaghahandaan niya ang unang kaarawan ng kanyang anak na si Hailey.
Sa press conference ng pelikula nila ni Coleen Garcia, ang Isang Gabi, ngayong Miyerkules, April 24, nabanggit ni Diego na ito ang isa sa mga motivation niya ngayon para magpursigi sa trabaho.
Kuwento niya, “In the first week of May, I'm doing… I have five back-to-back rakets just to afford her birthday party.
“I'm not saying that I can't afford it but, you know, money out is still money out.
"Pandagdag lang because hindi ko akalain na ang first birthday niya ay gagastos din pala ako na parang higit sa isang debut na pala!
“Ayun, I am doing everything in my power to be able to… I've said so much, e. I really promised so much. I can't go back to my promises, so I want to be able to provide.
"Even though sinasabi ko na hindi naman niya maalaala yung first birthday niya, ang laging sinasabi ng nanay ng baby ko ay, 'Pero tayo, maaalaala natin ito.' So, wala akong takas!”
Ngayon daw ang nare-realize na ni Diego na hindi madali ang maging isang magulang. At isa na sa mga dapat harapin ay ang mga gastusin para sa kanilang anak.
Kaya naman, bukod sa mga acting gigs at iba pang raket, papasukin na rin ng aktor ang pagbi-business.
Aniya, “If you ask me how inspired I am, this is our first choice of career, di ba? You guys, this is why you're here today. Kami naman, showbiz.
“But I am starting to think about branching out already. I'm 29 next month. So, nagsimula na akong magnegosyo, which I never thought I would enter before.
“It doesn't end, it keeps on going. Ang dami ko nang ibang mga ginagawa na sideline na trabaho.
“When Alexis [Suapengco] was still pregnant, I asked a friend of my brother, 'Magkano ang gastos mo noong nagka-baby kayo?' Sabi niya, 'Bro, I'm still counting. It doesn't end. It just keep on going.' Roughly, I have a vague idea now. You know, it never ends.”
Kaugnay nito, naalala ni Diego ang mga magkakasunod niyang raket para kumita
“I was asking Direk Mac [Alejandre, Isang Gabi director] backstage, 'Guys, I fly in on this day from Japan and the next day, dapat mag-Cebu, the next day Bohol, and after that Mindanao. Gawin ko ba?'”
Sabi raw ni Direk Mac kay Diego, “Go, if the remuneration is worth the aggravation. You can do it, you're young.'"
Patuloy ng celebrity dad, “Makuwento ko lang, last weekend, we drove five hours sa Nueva Ecija, five hours to Pangasinan.
"From Pangasinan, I drove seven hours back to Caloocan, and that was all in… a little more than 24 hours.
"Twenty-one hours on the road pa lang, just to do three back-to-back rakets!
“So yeah, I'm very motivated."
Samantala, balikan ang naging panayam ni Boy Abunda kay Diego tungkol sa kanyang anak na si Hailey rito:











