Diether Ocampo, natupad ang pangarap na maging kapitan ng Philippine Coast Guard Auxiliary

Nag-lie low sa showbiz ang dating matinee idol na si Diether Ocampo para pagtuunan ang kaniyang lifelong dream na maging isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa ngayon ay kapitan na ang 50-year-old actor ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Ang PCGA ay isang voluntary uniformed non-government organization na layong magbigay ng assistance sa PCG sa pagsulong ng kaligtasan sa karagatan, pagprotekta sa marine environment, at pagtulong sa humanitarian activities.
Para kay Diether, ito ang paraan niya para makapagserbisyo sa bayan at para makatulong sa mga nangangailangan matapos magtrabaho at umasenso sa showbiz nang ilang dekada.
Maraming taon ang ginugol ni Diether sa pag-aartista pero hindi pa rin siya nakalimot na tuparin ang kaniyang pangarap na maging isang public servant.
Tingnan ang ilang larawan ni Diether bilang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary sa gallery na ito.














