Fast Talk with Boy Abunda
Dina Bonnevie, kumusta na matapos ang pagpanaw ng asawang si DV Savellano?

Naging madamdamin ang kuwentuhan ng King of Talk na si Boy Abunda at seasoned actress na si Dina Bonnevie sa August 26 episode ng Fast Talk with Boy Abunda.
Emosyonal na ibinahagi nito ang kaniyang kalagayan matapos ang pagpanaw ng kaniyang asawang si DV Savellano nito lamang January.
Bagaman “coping” na ngayon ang aktres, hindi raw niya nalimutan ang pagkakataon na kinuwestiyon niya ang Panginoon.
“Are you even here? Is there a God?” kuwento ni Dina.
Balikan ang madamdaming episode sa gallery na ito:









