Dingdong Dantes, Boy Abunda, GMA exec Annette Gozon-Valdes pinarangalan ng MMPRESS

Lubos na nagpasalamat ang actor-TV host na si Dingdong Dantes nang tanggapin niya ang parangal mula sa Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS). Ito ay ginanap sa “Kickoff and Appreciation Night” ng organization noong Biyernes, September 27.
Ang MMPRESS ay ang newly rebanded na Entertainment Press Society of the Philippines, Inc. (ENPRESS), na binubuo ng mga kilala at batikang entertainment writers at columnists.
Si Dingdong ay isa sa mga kinilalang “Trailblazing Leaders” ng entertainment industry. Kabilang din sa mga pinarangalan sa kategoryang ito ang GMA Network's Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Source: MMPRESS Inc. on Facebook
Source: MMPRESS Inc. on Facebook
Sa kanyang acceptance speech, binigyang-halaga ni Dingdong ang tulong ng MMPRESS sa mga katulad niyang aktor at sa iba pang mga bahagi ng entertainment industry.
Sabi ni Dingdong, “Naalala ko talaga ang mga pinagsamahan natin 20 plus years ago. Kung 20 plus na ang organization ninyo, e, nandun na ho kayo mula simula ng aking career, more than 25 years na.
“Gusto ko rin ang pagkakataon na ito para pasalamatan kayo at i-honor kayo sa lahat ng naitulong ninyo sa akin. Tama ang ho talaga ang sinabi nila na kung wala kayo, e, yung other half ng aming ginagawa ay hindi po talaga namin mako-communicate nang maayos. Kaya maraming-maraming salamat for being an integral part of our careers. Hindi lang po sa akin kundi sa marami pa pong ibang artista rin na kasamahan natin sa industriya.”
Dagdag pa ng Family Feud host, “I also wanna honor you as an organization kasi alam naman natin yung pace of change ng bawat organization ngayon ay napakabilis. Dahil nagawa n'yo po itong pagbabagong ito, it's a testament of our evolution as a industry, na talagang we can keep up sa mabilis na nangyayari sa ating panahon, lalo na sa konteksto sa mga nangyayari sa ating industriya.”
Source: MMPRESS Inc. on Facebook
Source: MMPRESS Inc. on Facebook
Samatala, kinilala naman ang actor-politician na si Alfred Vargas at batikang TV host na si Boy Abunda bilang isa sa “MMPRESS Heroes” kasama ang dating Manila Mayor at Sparkle artist na si Isko Moreno at Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Isa naman sa tinaguriang “Entertainment Stalwarts” ang 24 Oras reporter na si Lhar Santiago, kasama ang mga kapwa mamahayag na sina Jo-Ann Maglipon, Ronald Constantino, at ang entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis.
Sa kanyang speech, binigyang-diin ni Lhar ang kahalagan ng pagbabalita ng katotohan at ang paglaban sa fake news.
Paglalahad niya, “Sa panahon pong ito ng fake news, siyempre po, ang battlecry natin, e, sama-sama nating labanan ang fake. Sa atin po nakasalalay, bilang manunulat ang pagbibigay ng katotohanan. Lahat ng sides, kung anuman ang isyu o kung anuman ang story, kunin po natin. Maramin pong laging katanungan ang mga nagbabasa, nakikinig, manonoo, at mga tumitingin sa social media. Tayo po ang may katungkulan na magbigay ng katotoohanan.”
Source: MMPRESS Inc. on Facebook
Samantala, dumalo rin sa naturang event si MTRCB Chairperson Diorella “Lala” Sotto-Antonio, film producer Atty. Joji Alonso, at veteran actress Boots Anson-Rodrigo, na kapwa kabilang sa mga pinangaralan bilang “Trailblazing Leaders.” Ang film producer naman na si Jojo Oconer ay tumanggap ng parehong parangal para kay director Mike Tuviera.
Nagbigay ng entertainment sa programa ang boygroup na 1621 BC at singer na si Pappel, habang ang Sparkle singer na si Liana Castillo ay inawit ang “The Prayer” bago magsimula ang programa.
Narito ang ilang sa mga dumalo sa “Kickoff and Appreciation Night” ng MMPRESS:











