Dingdong Dantes gets birthday surprise from 'Royal Blood' family

Nakatanggap ng maagang birthday surprise mula sa kanyang Royal Blood family si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Sa darating na Miyerkules (August 2), ipagdiriwang ng Royal Blood lead actor ang kanyang 43rd birthday.
Masaya ang aktor sa natanggap na birthday surprise sa set ng Royal Blood kahapon (July 31) kung saan kinantahan at binigyan siya ng cake ng kanyang co-stars, maging ng crew at director ng Royal Blood na si Direk Dominic Zapata.
Silipin ang ilan kuha mula sa naganap na birthday surprise ng Royal Blood team para kay Dingdong sa gallery na ito:




