Dingdong Dantes, Michael V, Herlene Budol, and other stars attend 'Voltes V: Legacy' premiere night

Hindi pinalagpas ng Kapuso stars ang premiere night ng 'Voltes V: Legacy' na ginanap sa SM North EDSA The Block Cinema 3 kagabi, April 19.
Ang exclusive cinema screening, na binansagang 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience,' ay dinaluhan ng mga bigating artista tulad nina Dingdong Dantes, Michael V, na kasama ang kanyang asawang si Carol Bunagan, Andrea Torres, Ricky Davao, at iba pa.
Nagpaabot din ng suporta si Derrick Monasterio sa kanyang nililigawang si 'Voltes V: Legacy' star Elle Villanueva. Magkaka-date namang pumunta sa premiere night ng 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience' sina Sofia Pablo at Allen Ansay, Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, at Bryce Eusebio at Waynona Collings.
Family date night naman ito para kina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na isinama ang kanilang apat na taong gulang na anak na si Shiloh Jayne.
Dumalo rin sa premiere night ng 'Voltes V: Legacy' sina Herlene Budol, Kate Valdez, Abdul Raman, Kiel Rodriguez, at iba pang artista.
Narito ang kanilang larawan:











