Dingdong, Marian, Alden bond with Piolo, Kathryn, Coco at 72nd FAMAS Awards

Usap-usapan ngayon sa social media ang star-studded photo na ibinahagi ni Kapuso Primetime King, Amazing Earth at Family Feud host na si Dingdong Dantes kasama ang kapwa showbiz royalties ng bansa. Kabilang dito ang kaniyang asawa na si Kapuso Primetime Queen at My Guardian Alien star Marian Rivera, Asia's Multimedia Star at Pulang Araw actor Alden Richards, Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Coco Martin, at Kathryn Bernardo.
Ang naturang larawan ay kinunan sa 72nd FAMAS Awards Night nitong Linggo, May 26.
“Ang aming mahuhusay na kasamahan sa industria!” caption ni Dingdong sa kaniyang post.
Maraming netizens naman ang natuwa sa nasabing larawan dahil minsan lang makita na nagkasama-sama ang showbiz A-listers ng industriya.
“Rare ensemble of today's best generation of Philippine showbiz's icons. Congrats idol tukayo Dingdong,” komento ng isang netizen.
“Congratulations to all! Nice seeing you all supporting showbiz industry kayo na po 'yung makabagong haligi ng henerasyon. Sana po more good Filipino movies sipagan uli gumawa ng maganda, matino, at makabuluhang pelikula maibalik po ang sigla ng Filipino Showbiz Industry,” dagdag pa ng isang social media user.
Samantala, sa iba pang mga larawan, makikita na nakipag-bonding pa si Dingdong Dantes sa kapwa niya mahuhusay na aktor na sina Piolo Pascual, Coco Martin, at senador na si Robin Padilla.
Makikita rin na reunited si Marian Rivera sa aktres na si Kathryn Bernardo na gumanap noon bilang kaniyang young version na batang Jenny sa Philippine adaptation ng Endless Love sa GMA.
Muli ring nakasama ni Alden Richards ang aktres na si Kathryn Bernardo na kaniyang leading lady sa pelikula na Hello, Love, Again - ang sequel ng kanilang 2019 hit film na Hello, Love, Goodbye.
Sa nasabing awards night, inuwi nina Dingdong at Marian ang Bida Sa Takilya awards para sa kanilang pelikulang Rewind.
Tinanghal naman bilang Best Actress si Kathryn Bernardo, habang Best Actor naman sina Piolo Pascual para sa kanyang pagganap sa Mallari at ang actor-politician na si Alfred Vargas para naman sa kanyang performance sa Pieta.
RELATED CONTENT: LOOK: Kapuso-Kapamilya friendly encounters:














































































