DOJ issues subpoena for Atong Ang, Gretchen Barretto over missing sabungeros

Naglabas ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban sa negosyanteng si Atong Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at ilan pang personalidad kaugnay ng reklamong murder na isinampa laban sa kanila ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Ayon sa ulat ni Saleema Refran sa Super Radyo dzBB, kabilang din sa pinadalhan ng subpoena ang dating hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si retired Police General Jonnel Estomo at 18 pulis.
“Issued na po ang mga subpoena base sa preliminary report ng National Prosecution Service laban sa 59 o 60 respondents sa kaso ng mga nawawalang sabungero,” ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano sa programang BP Ngayon.
Saklaw ng imbestigasyon laban sa kanila ang mga reklamong serious illegal detention at multiple murder, bukod pa sa iba pang kaso.
Nakatakda ang unang pagdinig sa Setyembre 18.
DEVELOPING STORY: Subpoena para kina Atong Ang, Gretchen Barretto at nasa 60 pang iba pa, isinisilbi na ng mga tauhan ng Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation kaugnay ng “missing sabungeros.” | via @saleema_refran, @gmanews pic.twitter.com/0NG2RmzdcG
-- DZBB Super Radyo (@dzbb) September 10, 2025
Bago ito, nauna nang itinanggi ni Gretchen ang paratang laban sa kaniya.
Sa exclusive interview ni Mariz Umali para sa 24 Oras, sinabi ng abogado niyang si Atty. Alma Mallonga, "We deny it. She denies it, categorically… Because the fact of the matter is wala siyang kinalaman doon, wala siyang ginawa, wala siyang sinabi that connects with the disappearance of the sabungeros."
Samantala, tingnan ang ilang mga larawan ni Gretchen dito:




















