Dokugaga, the first beast fighter in 'Voltes V: Legacy'

Ipinakilala na agad ang unang beast fighter na kinalaban ng Voltes V team sa unang episode ng 'Voltes V: Legacy.'
Ito ay si Dokugaga, isang armadang robot na likha ng Boazanian evil genius na si Zuhl, na ginagampanan ni Epy Quizon.
Ginawa si Dokugaga para sirain ang planetang Earth at maghasik ng lagim sa mga tao batay sa utos ng prinsipe ng Boazania na si Zardoz (Martin Del Rosario).
Mayroong humanoid appearance si Dokugaga na may kulay berdeng pangangatawan na gawa sa metal.
Siya ay higante, malakas, at may kakayahang lumipad dahil sa kanyang pakpak na tila hawig sa insekto. Gaya ng Boazanians, si Dokugaga ay mayroon ding sungay.
Narito ang iba pang detalye tungkol sa Boazanian beast fighter.








