Matapos ng kaniyang mga pagganap sa limang Hollywood films at ilang international series, kilala na ngayon si Dolly de Leon bilang bilang internationally acclaimed actress.
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Martes, July 14, ibinahagi ni Dolly ang ilan sa mga karanasan niya sa Hollywood, kabilang na pag-audition niya sa mga role, at ang mga proyekto kung saan mas lalo siyang nakilala.
Alamin ang naging karanasan ni Dolly sa Hollywood sa gallery na ito:
Pinatotohanan ni Dolly de Leon ang sinabi in King of Talk Boy Abunda tungkol sa pagkakaroon ng agent at manager sa Amerika. Pagbabahagi ng aktres, ang agent ang humahawak ng mga kontrata at nagne-negotiate ng rates, habang ang manager naman ang naninigurado na naaalagaan siya sa set.
Isa sa mga proyektong nakilala si Dolly de Leon ay ang international series na 'Nine Perfect Strangers' kung saan lumabas siya sa ikalawang season nito.
Bukod sa trabaho, nakakilala rin si Dolly de Leon ng mga kaibigan sa co-stars niyang sina Christine Baranski, Annie Murphy, Murray Bartlett, at Henry Golding.
Maraming Pinoy fans naman ang natuwa nang mapanood si Dolly de Leon sa secon season ng live-action series na 'Avatar: The Last Airbender' kung saan gumanap siya bilang si Lo at Li, ang kambal na advisors ni Princess Azula (Elizabeth Yu).
Masarap umano sa pakiramdam ni Dolly de Leon maging bahagi ng naturang serye dahil bukod sa ito ang unang pagkakataon na gumanap siya bilang kambal, nakatrabaho at nakaeksena niya madalas si Daniel Dae Kim, ang actor na gumaganap bilang si Firelord Ozai. Dagdag pa ng aktres, ang mga anak din niya ang nagtulak sa kaniyang tanggapin ang role.
Isang police detective naman ang naging role ni Dolly de Leon sa comedy-thriller series na 'Maximum Pleasure, Guaranteed' kung saan kapansin-pansin ang Filipino accent niya sa serye.
Pagbabahagi ni Dolly de Leon, "May dahilan naman kung bakit nila ako hinire, and by the way, Sir Boy, nag-audition ako for that part. I auditioned for that part and ginamit ko 'yung Filipino accent ko and wala naman silang binigay na note. In fact, hinayaan nila ako na magsalita nang ganu'n. So para sa 'kin, as much as possible, gusto ko laging gamitin 'yung Filipino accent ko."
Extra special naman para kay Dolly de Leon ang maging bahagi ng upcoming animated film na 'Forgotten Island.' Bukod kasi sa mga aktor na may Pinoy blood ang makakasama niya rito, iikot din ang kuwento ng pelikula sa Philippine mythology.
Pag-amin ni Dolly de Leon, matagal na niyang gripe na walang representation ang Pilipinas sa animated films. "Parang it's about time kasi ilang taon ko nang gripe 'yan, e, dahil sa mga animated features, na-represent na ang China, na-represent na ang Mexico, Sweden, America, lahat. Pero ang Philippines, wala pa, so parang ito na 'yung pagkakataon natin na makuwento 'yung mga kuwento natin so siyempre, proud ako na mapasali.
Ani Boy Abunda, maraming pagkakataon na nabu-bully ang mga ibang lahi, kabilang na ang mga Pinoy actors sa Hollywood. Sa kabutihang palad, hindi pa naman umano ito nangyari kay Dolly de Leon. I've been very fortunate, everyone has been nothing but nice to me. I think that goes with the times kasi nowadays, mas inclusive na tayo at grabe na 'yung movements against bigotry compared nu'ng '80s, '90s"," sabi ng aktres.