Relationship

Dominic Roque at Sue Ramirez, malapit na ring ikasal?

GMA Logo Dominic Roque at Sue Ramirez
Photo by: dominicroque and sueannadoodles (IG)

Photo Inside Page


Photos

Dominic Roque at Sue Ramirez



Matapos ang kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co, tila may panibagong celebrity couple na pinag-uusapan ng netizens na posibleng sumunod sa altar.

Sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update", pinag-usapan ang kumalat na larawan nina Dominic Roque at Sue Ramirez kasama ang ilang event supplier sa isang restaurant.

Ayon kina Ogie Diaz at Mama Loi, makikita sa larawan ang Nice Print Photography, event stylist, at event planner.

Dahil dito, marami umanong netizens ang nag-isip na posibleng naghahanda na rin sina Dominic at Sue para sa kanilang kasal.

Gayunman, may nabalitaan si Mama Loi sa kanyang source.

"Apparently nay, meron ngang event na magaganap. Pero hindi wedding. E, kasi nga magse-celebrate ng birthday itong si Dominic Roque at si Sue Ramirez nang sabay kasi sabay 'yong birthday nila...sa July 20."

Nilinaw din ni Ogie na hindi lamang kasal ang hinahawakan ng mga event supplier na nakita sa larawan.

"Pero kasi 'di ba hindi lang naman pang-weddings itong Nice Print at 'yung iba pang kinuhang supplier. Kasi pang mga celebrations talaga sila."

Dagdag naman ni Mama Loi: "Any type and all types of events: corporate, socials, gender reveal, and even 'yung mga proposals."

Usapang proposal, sinabi ni Ogie na hindi rin malayong magkaroon ng surprise proposal sa naturang birthday celebration. Bagama't paglalahad lamang ito ng kanyang posibilidad.

"Malay mo, ganoon ang maganap. 'Di ba very very plain lang na mag-celebrate tayo ng birthday pareho. Tapos doon pala, 'Will you marry me?' gaganun," sabi ni Ogie.

Dagdag pa nila, dati nang sinabi ni Sue na bukas siya sa pagkakaroon ng anak, habang pangarap naman ni Dominic ang magkaroon ng sariling pamilya.

"Bagay si Sue at saka si Dom," ani Ogie. "Basta tayo happy happy for them. Lalo na't maganda 'yung kanilang relationship."

Nagsimula ang dating rumors nina Sue at Dominic noong 2024. Kalaunan, kinumpirma nila ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinahagi ni Dominic ang kanilang larawan sa isang dinner gathering.

Samantala, dating engaged sina Dominic at Bea Alonzo, ngunit naghiwalay sila noong 2024.

Dati ring naging boyfriend ni Sue si Javi Benitez. Naghiwalay ang dalawa matapos ang limang taong relasyon.

RELATED CONTENT: SUE RAMIREZ'S BEAUTIFUL PHOTOS


Elevator photo
Singapore trip
Enjoying the view
Premiere night look
Shining
Colorful
Rocking denim
Fierce
Siargao
Beautiful in blue

Around GMA

Around GMA

Friendship ni Charlie Fleming kag Shuvee Etrata, mas nagbakod sa 'The Master Cutter'| Ratsada Balita
LOOK: CCG personnel had batons while confronting PH Navy at Ayungin Shoal 
Anne Curtis had a six-hour lunch at this award-winning Spanish restaurant